Health Benefits ng Luyang Dilaw Na Kailangan Mo sa Araw-araw
Curcumin ay Nakakapagbata at Tumutulong Para Makaiwas sa Anumang Age-related Chronic Diseases.
Dahil sa napakaraming positibong epekto sa kalusugan tulad ng pag-iwas sa heart disease, alzheimer's at cancer, ang curcumin na nasa luyang dilaw ay makakatulong sa pagpapahaba ng buhay dahil sa mga health benefits nito.
Ang Curcumin ay Nakakatulong Kontra Depression.
Sa isang pag-aaral sa 60 katao, napag-alaman na ang curcumin ay kasing-bisa ng Prozac para mapagaan ang mga simptomas ng depression.
Ang Curcumin ay Nakakatulong sa mga may Arthritis.
Ang arthritis ay inflammation sa joints na kayang-kayang lunasan ng curcumin bilang isang anti-inflammatory.
Sa isang pag-aaral sa mga taong may rheumatoid arthritis, sinasabi na ang curcumin ay mas mabisa pa kesa sa anumang anti-inflammatory drugs.
Ang Curcumin ay Nakakapagpababa sa Posibilidad ng Pagkakaroon ng Heart Diseases.
Ang heart disease ay number 1 na sanhi ng pagkamatay sa buong mundo. Kaya ang Curcumin ay may role din sa puso mo dahil isinasaayos at minamabuti nito ang trabaho ng endothelium o yung lining sa ating mga ugat.
Ang endothelial dysfunction ay isa sa mga pangunahing sanhi ng heart disease dahil mawawalan ng kapasidad ang endothelium na magregulate ng blood pressure at blood clotting hanggang sa tuluyang kumipot o magbara ang ugat na siyang magiging dahilan upang mas palalakasin at pabibilisin ng puso ang pagpump ng dugo.
Ang Curcumin ay Nakakatulong Para Makaiwas at Magamot ang Cancer.
Base sa pag-aaral, ang Curcumin ay nakakaapekto sa pagbagal ng pagtubo ng cancer, pagdami at pagkalat nito. Nagagawa rin kasi nitong patayin ang mga cancer cells.
Sa isang 30-Day study kabilang ang 44 na kalalakihan ay napag-alam na ang curcumin ay kaya ring iwasan ang pagkakaroon ng cancer lalo na yung cancer sa digestive system o colorectal cancer.
Ang Curcumin ay Maaring Makaiwas o Magamot ang Alzheimer's Disease.
Ang Alzheimer's Disease ay ang pinaka-common na neurodegenerative disease sa mundo na sanhi rin ng dementia.
Dahil ang curcumin ay tina-target ang inflammation at oxidative damage na siyang sanhi rin ng Alzheimer's ay kaya napakabeneficial nito.
Ang Luyang Dilaw ay Nagpapataas ng Antioxidant Capacity ng Katawan.
Ang free radicals sa katawan natin ay isa sa dahilan sa likod ng agarang pagtanda at pagkakaroon ng sakit.
At ang main reason kung bakit napaka importante ng antioxidant ay pinoprotektahan nito ang katawan natin laban sa mga free radicals.
Ang curcumin sa luyang dilaw ay isang very potent antioxidant na nagnew-neutralize ng free radicals sa katawan natin. Hinaharang niya ang mga free radicals na ito habang pinapalakas rin niya ang natural na antioxidants sa ating katawan.
Ang Curcumin ay Nakapagpapalakas ng Brain Function at Nagpapababa sa Posibilidad ng Pagkakaroon ng Brain Disease.
Ang Brain-Derived Neurotrophic Factor o BDNF ay isang uri ng growth hormone na gumagana sa loob ng utak. Marami sa mga common brain disorders tulad ng Depression at Alzheimer's Disease ay sinasabing naging resulta sa pag-decrease ng hormone na ito.
Sa kabilang banda, ang curcumin ay pinapataas niya ang brain levels ng BDNF na maaring makakapag-delay o ma-reverse ang maraming brain disorders gaya ng Parkinson's Disease o kaya ang ilang age-related diseases sa utak.
Ang Luyang Dilaw ay may Bioactive Compounds na May Powerful Medicinal Properties.
Ang compound na ito ay tinatawag na curcuminoids. At ang pinakaimportanteng bahagi naman nito ay ang curcumin. Ang curcumin ang pangunahing active ingredient ng turmeric. Ito ay may powerful anti-inflammatory effects at isang napaka-epektibong antioxidant.
Pero ang curcumin content ng isang turmeric ay 3% lang depende sa weight. Kaya kung gusto mo talaga masubukan ang epekto at totoong benepisyo ng curcumin, kailangan mo mag-take ng supplement na may turmeric extract at may katumbas na amount ng curcumin na kailangan ng katawan natin on daily basis.
Ang Curcumin ay Isang Natural Anti-Inflammatory Compound.
Ang curcumin ay isang napakalakas na anti-inflammatory. Kaya mainam rin ito para maiwasan ang diabetes dahil ang ugat ng pagkakaroon ng diabetes ay inflammation.
The truth is, sa sobrang potent at effective ng turmeric ay halos kapareho siya ng bisa ng ilang anti-inflammatory drugs sa market ngayon. Wala pang side effect.
No comments:
Post a Comment